The Mt. Pulag Experience (The first climb of the year)


So we know that Mt. Apo (2956+ masl) is the Philippines highest mountain. Does anyone know what is the second highest?

Mt. Pulag (2922+ masl) is the second highest (in some sources: third) in the Philippines and the Luzon's highest peak located at Kabayan, Benguet. It consist of several trails, but tatlo lang ang kilala. Ambangueg Trail (difficulty: 3/9), Tawangan "bloody" trail (difficulty: 6/9) and Akiki "Killer" Trail (difficulty: 7/9). Other trails are Ambaguio and Eddet Trails.



We set a climb last January 4-6, 2013. So ito ang aking kauna-unahang akyat ng taon and we will take the Ambangueg trail dahil sa madali at hindi rin ako/kami mahirapan. So na-set na ang plan, Jan. 4 ng gabi nagkita-kita na kami s Victory Liner Terminal sa Pasay at ayon sa aming Itinerary, 22:00H (10:00pm) pa kami aalis pa-Baguio.
 - Eto ung sinakyan namin -

Nakarating kami ng Baguio around 4am (bali 6 hours ang byahe dahil hndi nag-stopover ang bus s Sison). Paglabas namin ng bus, sinalubong kami ng LAMIG. Buti na lang may nagtitinda ng taho (at mainit-init pa). So nag-ayos na kami sa terminal at umarkila ng jeep. So prepare for a loooooooooooong journey from Baguio to Mt. Pulag ranger station
- Me, at bonnet at gloves n lng ang kulang -

Ang masakit sa lahat, lumagpas kami sa Ambuklao Dam, which is yun ang inaabangan namin para magpicturan. Wala na kaming magawa kundi maghanap ng kainan. After breakfast, (nakalimutan ko ung pangalan ng store) byahe uli patungo sa DENR para sa Briefing and Registration, Ung iba, nag-top load na. After Briefing and Registration, bumili muna kami ng mga kakailanganin sa camp, then tumungo na kami sa Ranger station. Ung mga nasa top-load ay naisipang pumasok na sa loob ng jeep dahil MABATO na ang daan. After a loooooooong travel, nakarating na kami sa ranger station. Konting ayos-ayos sa gamit at SIMULAN NA ang pag-akyat. Medyo maulan na sa Ranger station, pero tumuloy na kami.

-Ambangueg Trail
Para sa akin, hinati-hati ko ang trail na 'to sa tatlo. The first part is the "Farmville", second is Mossy Forest and the third is Grassland. So sa "Farmville" muna, kaya lang tinawag kong "Farmville" its because along the trail ay taniman ng gulay. Ayon sa kasama ko, Repolyo, Patatas at Carrots ang mga tanim dito. Maputik sa daan at naalala ko tuloy ang "Mt. Romelo" (umatras ako sa mt. romelo). Dahil weekend, madaming umaakyat at nag-cause ng "trapik" sa trail. In 52 mins. (inorasan ko ung byahe ko bawat part) nakarating kami sa Camp 1. Some of the mountaineers ay kumain na sa Camp 1 pero may mga iba na tumuloy na sa Camp 2/Saddle Camp.

The Second Part, the mossy forest. Medyo scary ung lugar at mahaba-haba. Mapapansin na ang trail ay bugbog na bugbog na. Ung ibang part, naglagay na ng kahoy at dun ka aapak instead of lumubog ka sa putik. This requires trek poles or wooden stick. Unfortunately, wala akong Trek pole at wala ako makita na wooden stick as my trek poles so naglakad na lang ako by myself and my bag. After more than an hour, nasa camp 2 na kami. Umabot kami sa punto na magdesisyon kung tutuloy kami sa Saddle Camp (another walk) or sa Camp 2 na lang kami magse-set. So the decision is Camp 2 "Extension" at dito na papasok ang third and last part ng trail. The GRASSLAND. Camp 2 is 100 meters away from the water source. Ung extension ay aakyat pa. With 2 CRs (meron sa baba at sa mismong camp extension).


 - Camp 2 -

- Rainbow sa Camp -

Sa Camp, eto na, kainan na. Dahil malamig at medyo umaambon, Pahirapan magpakulo ng tubig (due to scientific explanation) para magkape, para sa instant noodles at pang-saing. Siksikan sa Camp pero pag-tyagaan na lang.  Kinagabihan, nangangamoy ulam na sa camp dahil kanya-kanyang luto na para sa DINNER (at the camp). After a meal, tulog na para sa Summit assault.

- Summit Assault
Here... We... Go!!!. 3am nagising kami and prepare for summit assault. Miraculously, walang ulan nung tumungo na kami sa summit. Along the trail (few kilometers away na sa Camp) I realize, WALA UNG TUBIG KO!!! So pinagtyagaan ko uhaw ko until binigyan ako ng tubig mula sa kasamahan ko. A few kilometers away sa Summit. Naisipan ko na tumigil at mag-picturan.







So halfway sa Summit inabutan ako ng sikat ng araw. Steep na ang pa-summit kaya medyo kailangan ko ng momentum to push through. and SA WAKAS. Nakarating na rin sa SUMMIT.
- Summit - 

- Skyflakes endorser -

- 2922 meter elevation (Summit) -

-Descent
7:15am, bumaba na kami para sa breakfast. This time MAINIT NA, so madali nang bumaba. Pagdating sa Campsite, kanya-kanya nanamang luto. Ung mga ibang grupo ay bumaba na. Pero syempre picturan muna along the trail.
- Sa likod: Summit -

mga around 10am o 11am bumaba na kami. Ung mga iba naming kasamahan ay nauna na. As we reach the ranger station. Kainan uli sa loob ng jeep. Then we take a bath, log-out na kami at bumili ng souvenirs sa DENR, kainan uli. Kinagabihan, nakarating kami ng Baguio. AT DAHIL nasa Baguio kami, "PASALUBONG". So nagpa-reserve muna kami ng ticket bound for Manila and bili-bili ng pasalubong sa Gov. Pack Road. 11pm we departed from Baguio.

- Lessons learned (sa akin)
- Before summit assault, Never leave your water at the campsite
- BRING Slippers. (naka-paa ako sa camp)

- Overall journey
This is the first climb of the year at hindi ko pinalampas ang pagkakataon na makasama sa akyat. The entire journey is fun, so kailangan POSITIVE ka at isipin mo na makakarating ka sa summit. Plus, Never miss the fun. This is the climb that you'll never forget.

Comments

Popular posts from this blog

Alone in Baguio

Bega Falls, Mindanao, Philippines