Tarak Ridge


Tarak Ridge is 1130+ masl and it comes with a breathtaking assault and stunning view. Nag-set kami ng climb noong Feb. 23-25 at itinaon namin sa holiday.




So 1:00am nang sumakay kami ng bus patungong Mariveles. Mas maaga umalis, mas maaga makakarating sa ridge line. 3hrs lang ang byahe kaya 4am nasa Brgy. Alas-Asin na kami. nagkataong may "Fiesta" sa Mariveles. So 5am ay nagsimula na ang mahaba-habang lakaran papuntang Papaya River.

Start ng Trek
The Trek Bag Boys

From the Highway, nag-stop-over muna kami sa tindahan para bumili ng kinakailangan at picture picture din

After some minutes, tinuloy na ang lakaran patungong Papaya River, so ung trail paunta sa Papaya river ay aangat ka muna patungo sa grassland then dadaan ka muna sa "Dry River Bed" kung saan hahawak ka sa bato for support
Grassland going to Papaya River

Crossing Dry River Bed

Bataan view

After 4 o 5 hrs, nasa Papaya River na kami, here nag-rest kami ng 2-3hrs in preparation for Ridge Line/Summit Assault. The water is cold, pwedeng inumin (pero hwag kang kukuha sa baba, sa taas ka kumuha) pwede ka ding maligo. Dito na rin kami kumain ng lunch.
Arrived at Papaya River

Ready to cook for lunch

Papaya River

Butterfly sa Papaya River





So after the break, 1:00pm nagsimula na kaming umakyat patungong Ridge Line. From Papaya River, magsisimula na ang assault, so LAHAT PAANGAT so prepare a Stick or Trek Poles for support. As we get near sa Ridge Line, pa-steep na ng pa-steep ang trail, kaya pahirap ng pahirap ng pahirap ang lakaran. Then along the trail, may mga nakausli na kahoy na kailangan mo pang lumusot o lumaktaw. Then 3:00pm nakarating na kami sa Ridge Line at nag-set kami ng camp sa isang liblib na camp (mapuno ung lugar na yun) . May iba ay nag-camp sa mismong ridge line. So before mag-camp, Photo op na ung iba at ung iba naman ay nagluto na for dinner. Dahil kapos sa tubig (dahil kulang for cooking at nakalaan ung iba for drinking), hindi lahat naluto ung pasta. Kaya kumain kami na mas marami ang sauce kaysa sa pasta. Yung iba, ready to cook na lang, so painit na lang.
Sunset sa Ridge Line

Cooking for dinner

Camp

We stay for a night, having dinner and having a "Party at the campsite". After that "Party" maaga akong natulog. Then 12 midnight nagising ako dahil biglang lumamig. Few moments later "BASA NA SA LOOB NG TENT NAMIN". So nagising ung mga kasamahan ko sa tent, mga around 6am, na basang-basa ang buhok at ung mga ilang gamit namin sa tent. Dahil basa sa tent, lumabas na ako at nag-picture-picture na rin.
View from the ridge line

Ridge Summit

View of Bataan from Tarak Ridge

Ridge Camp
"Near-death" pose
"I can touch the clouds"
So after some photo-taking, breakfast na then break camp. Of course, bago bumaba, picture-picture uli for the final hour before descending.
Break Camp Pose

Break Camp Pose

Break Camp Pose
MIT-Mountaineering



After photo-taking, it's time to go down. Dahil kapos na kami sa oras at para mahabol namin ang last trip ng mga bus patungong Manila, hindi na kami bumalik sa Papaya River, dumeretso na kami patungong Alas-Asin Barangay hall. 3:00pm nakarating kami sa baba. Then we took a bath, eat and wait for the bus going back to Manila.

- Post Climb
- Bring lots and lots of water (kung maaari, ung ilang container may laman, ung iba wala at i-refill na sa Papaya River)
- Sleep very well for immunity
- Magluto ng pagkain na hindi kailangan ng maraming tubig. Hangga't maaari, fried or pre-cook meals.
- Be caution kung magpapakuha kayo ng picture sa bangin dahil mahangin (I called it, "Near-Death Pose")

-Overall
So kahit mahirap, this is my training climb in preparation for Luzon 3-2-1 (Timbak, Tabayoc, Pulag). So to all first time na aakyat dito, kailangan mag-training in preparation for this climb. And PLEASE, bring lots of water.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Alone in Baguio

Bega Falls, Mindanao, Philippines