Gone South: Mt. Batulao - Mapua Mountaineering Club Introductory Climb 2013


The original plan was Mt. Manabu. Due to some issues, pinalitan namin ng Mt. Batulao as the Club's 2013 Introduction Climb.


Mt. Batulao is 811+ MASL, located at Nasugbu, Batangas. It consist of 2 trails, the Old (East) Trail and New (West) Trail. We take the New Trail (some of my groups take the Old Trail due to the number of climbers).


We set the climb August 8-9 (since August 9 is Holiday - Eid al-Fitr) but before that, nagkaroon ng issue about sa Provincial Buses going Batangas and Cavite. Starting August 6, ang mga bus na papuntang Cavite at Batangas ay magsasakay at magbaba na sa South-West Integrated Bus Terminal (formely Uniwide Coastal Mall). From Mapua, pumunta lahat kami sa South-West Integrated Bus Terminal via Charted Jeep (some of my groupmates ay sumakay ng FX at Taxi) makasakay lang ng bus papuntang Nasugbu. 6pm nakasakay na kami ng bus.

After a 2-hour travel to Nasugbu, bumaba na kami sa Evercrest Golfcourse for dinner and preparation. 8pm nag-start na kami mag-trek sa Mt. Batulao. Maputik ang trail kaya maya't-maya ang tigil. Along the trail, may mga kabahayan at mga kubo kaming napuntahan at doon mag-rest. 10pm umulan ng malakas kaya naghanap kami ng masisilungan. Nang makahanap ng kubo for rest, we wait for the rain to stop. 1 hour later ay tumuloy na kami. Nahati ang grupo at may mga nauna na, yung mga naiwan sa kubong iyon ay ako na mismo ang nag-lead even though it was my first time na akyatin ang Mt. Batulao. Pagdating sa Fork (Old & New Trail Intersection) ay pansamantalang pinahinto ko ang paglalakad. Dahil hindi ko alam yung bundok, naghanap ako ng trail signs until nahanap ko ang sign na "Welcome to Mt. Batulao Dito po sa New Trail". Nang nahanap ko ang sign n yun, we continue trekking to New Trail at nandito na yung Numbered Peaks. After a 30-minute trekking from Fork to Peak 7, Nag-set na kami ng tent at doon na nagpahinga.

CAMPSITE


Located at Peak 7. Pagdating sa Peak 7 or Campsite, 620 MASL na sya (according to my friend's altimeter). At night, mamamangha ka sa mga ilaw. tanaw sa Campsite ang Tagaytay.

Kinaumagahan, mas maraming view ka pang makikita. Bukod sa mismong bundok. Matatanaw mo din doon ang mga karatig-bundok at yung much-better view ng Tagaytay. Including Old Trail's Campsite which is below New Trail's Campsite
Old Trail's Campsite
Mt. Talamitam and Mt. Pico de Loro (which is Far, Far away)
Mt. Maculot
Peak 6 -- Pinakanakakatakot na part for me
Here are some pictures of our "KULITAN" at the Campsite.









Our food
SUMMIT
Unfortunately, hindi ako naka-summit dahil due to personal issues. But, I have a representative na kumuha ng mga pictures sa summit. Going to summit in New Trail is from peak 7, bababa ka at may makikita ka din na nakatira doon at you will have an option na maglalakad ka sa gilid ng Peak 8 or dun ka mismo sa Peak 8 maglalakad. Then madadaanan yung katakot-takot na peak 9. Then Peak 10 and Peak 11 then finally Peak 12 or Summit.

Here are some pictures sa summit (c) Kit Caisip.











DESCENT
1pm, nag-break camp na kami at bumaba na. Mas madaling bumaba, pwedeng takbuhin ang trail. Mas marami ng nagtitinda ng buko sa taas (unlike nung gabi, iisa lang). Dahil umaraw, yung mga mapuputik na trail ay medyo natuyo na rin.

Descending
3pm nasa Evercrest Golfcoure na uli kami at doon muna nagpahinga, naglinis ng mga naputikang kagamitan at naligo. After that, tumungo na kami sa Tagaytay for dinner. Then it's time to go home.

When I was an applicant of Mapua Mountaineering Club, ito din yung bundok na inakyat noong Intro Climb 2012. I was scared because sa mga bangin.

TRIVIA
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
* February 2012 - Isang 1st time mountaineer ang nahulog sa Peak 8. According dun sa mga locals, na-off balance sya. Ngayon, sa lugar na kung saan sya mismong huling umapak bago nahulog ay may naglagay ng kandila at grotto bilang pag-alala sa kanya.
* Peak 6 - Nakatayo doon ang dating bahay ni Janet Belarmino, Ang unang pinay na umakyat ng Mt. Everest.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mt. Batulao taught me na harapin mo ang takot mo sa bangin at ang bundok na ito ang nagturo sa akin ng pag-lead ng mga tao during trekking. To all reader's, hindi kayo magsisisi na akyatin ito, overnight or dayhike, and you will definitely go back again and again dito sa Mt. Batulao. This climb will be one of your "journey you will never forget".

Photo Credits to:
Kit Kaisip (Summit Pics)
John Gualbert "GB" Anyayahan

Comments

Popular posts from this blog

Alone in Baguio

Bega Falls, Mindanao, Philippines