Bakun (Trio) Duo: Mt. Lobo
Summit of Mt. Lobo (Lubo) |
Mt. Lobo (Mt. Lubo) is the highest mountain ng Bakun (2087+ masl) at ito ang kauna-unahang bundok na naakyat ko na pa-traverse. Umakyat kami mula sa Brgy. Dada at nakababa sa Bakun Poblacion.
Pre-Climb
20:00H nagkitaan kami sa Victory Liner Terminal sa Pasay. Pero nagkaroon ng kaunting problema. Napuno ang bus patungong Baguio, so there's no choice but to ride a bus patungong Dagupan at from Dagupan, sasakay ng bus patungong Baguio. 9:45pm umalis na kami patungong Dagupan. 5am nasa Dagupan na kami. 6 o 7am nasa Baguio na kami at umarkila ng jeep patungong Brgy. Dada sa Bakun.
Highest Point Philippine Highway System (HPPHS)
9am nandoon na kami sa HPPHS. Syempre tulad ng ibang turista na nandoon, picture picture din then we continue the trip to Bakun
Along the trip, hindi din naiwasan ang kaunting aberya. Una, nagkaroon ng Landslide Clearing sa dinaanan namin. Pangalawa nag-overheat ang jeep at Pangatlo, nasiraan ng jeep. Dito pa lang, naisip-isip namin ng grupo ng umakyat kahit gabihin kami sa taas.
Arrival at Brgy. Dada
4pm na ng dumating na kami sa Brgy. Dada, so yung jeep namin, kung saan nandoon ung iba pa naming gamit, ay tutungo na ng Municipal hall ng Bakun sa Poblacion. ilang minuto lang ay nag-start trek na kami.
According to my groupmate, kahawig na kahawing ng Mt. Tapulao ang trail. Malapad, mabato at ma-steep ng konti. May part din ng trail na sementado.
Trail ng Mt. Lubo (c) Joe Riboroso |
Few meters away from the summit, nakita namin na may sinisira sila na part ng trail, making it more slippery at mahirap umakyat dahil lumulubog paa mo sa putik dala ng pagsira nila ng trail.
2hrs later nasa gate na kami. From that gate, pa-summit na yun. Ayon sa guide, maliit ang space ng summit, hindi katulad ng Mt. Pulag, kaya hinati namin ang group into 5 (nasa mahigit 20 kami umakyat ng Lubo). I manage na ako ang mahuli. Then, IT'S TIME na ako na ang umakyat ng summit.
Summit View
From the top, according to the guide, makikita na doon ang Tagudin, Ilocos Sur same as the Bakun Poblacion.
Descent
Since umulan, basa at madulas ang trail pababa, at dahil traverse, iba ang madadaanan namin. Habang bumababa kami, dumaan kami sa mossy forest. Medyo madulas pero mag-ingat dahil may BUTAS. Lumusot ang paa ko sa isang butas habang binabagalan ko ang pacing ko at makahabol ang ibang ka-grupo ko sa likod. Yung butas ay nakatakip ng mga kahoy na naapakan ko.
Tulad ng inaasahan namin, ginabi kami. Along the trail, may nangyaring hindi inaasahan. Since "mossy" forest and umulan, expect a high chance of "LIMATIK ATTACK". Ilan sa ka-grupo namin ay inatake ng limatik. Along the trail din, may hanging bridge. Mahigit 2 hrs. ay nakarating din sa Poblacion. Namalagi sa Municipal Hall at dun naghanda ng dinner and then linis-linis din at natulog na para maghanda sa isa nanamang akyat.
Photo credits to
Joey "Joe" Riboroso
Comments
Post a Comment